Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

De-kalibreng baril, granada sa eleksyon, nasilat

0 268

Nasamsam ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril na target umanong gamitin ngayong eleksyon kasunod ng pagkakadakip sa dalawang hinihinalang miyembro ng gun-running syndicate sa Taguig at Mandaluyong City.

Iniharap kahapon ni Southern Police District director PBGen. Jimili Macaraeg kay National Capital Region Police Office chief PMGen. Vicente Danao Jr. ang suspek na sina Nichol John Jerusalem, 30, ng Taguig City at Bruce De Leon, 32, ng Mandaluyong City.

Naaresto ang dalawa ng SPD Intelligence Division at District Special Operations Unit ng NCRPO.

Ayon kay Danao, nadakip si Jerusalem matapos umano nitong bentahan ang isa nilang miyembro ng assault rifle at grenade launcher na nagkakahalagang ₱180K.

Nakumpiska dito ang 3 assault rifle, grenade launcher, shotgun, AK47 magazine, kahon-kahong live ammunition, steel box ng mga bala, 19 cartridge sa 40mm, rifle grenade at MK2 fragmentation grenade.

Samantala, nasamsam naman kay De Leon ang isang Bushmaster assault rifle, Cal.38 revolver, kahon-kahong mga de-kalibreng magazines at live ammunitions, cellphone at Yamaha NMAX motorcycle na may plakang PN 854PZQ. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.