Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

De-kalibreng armas ng mga rebelde nasabat

0 87

NASABAT ng mga sundalo ang mga matataas na uri ng baril na naiwan ng mga rebelde na kanilang nakasagupa sa Lanao del Sur nitong weekend, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Nakasagupa ng mga elemento ng Joint Task Force ZamPeLan, ang mga rebelde kung saan naiwan ang mga matataas na kalibre ng armas at mga dokumento, ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi pa ni Vinluan na habang nagsasagawa ng combat clearing operations ang mga tropa ng 5th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force ZamPeLan ay nakaengkuwentro ng mga ito ang mga komunista sa Barangay Ragayan, Maguing, Lanao del Sur.

Nagresulta ito sa palitan ng putok hanggang sa tumakas sa iba-ibang direksyon ang mga rebelde. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.