Una sa Balita

De Jesus: Pigaan ng utak sa Sta. Maria chess event

0 339

TUTULAK sa darating na Linggo ang Santa Maria Town Fiesta Chess Tournament 2019 na gaganapin sa Patio of La Purisima Concepcion Church, Poblacion sa Sta. Maria, Bulacan.

“The National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament is being held to coincide with the cele­bration of Santa Maria Town Fiesta. It is open to all non-master chess players. This is part of our grassroots development program,” sabi ni Santa Maria Chess Club president engineer Norberto de Jesus.

Ang one-day event ay hinati sa dalawang dibisyon, non-master category at kiddies division (14-under with 1950 rating and below) at bukas sa lahat ng non-master players, anuman ang kanilang kasarian at edad.

Ipapatupad ang seven­-round, Swiss System na may 20 minutes, 5 seconds delay per player para matapos ang laro.

Nakalaan sa non-master champion ang P5,000 plus trophy habang ang second hanggang fifth placers ay tatangap ng tig-P2,500 plus trophy, P1,500 plus trophy, P800 at P600, ayon sa pagkakasunod.

Ang makakapasok sa top 10 ay tatangap din ng tig-P500.

May category prizes para sa top High School, Senior 55+ na tig-P500 habang P1,000 naman sa top Sta. Maria player at P250 sa youngest participant.

Ang top 5 finishers­ sa Kiddies division (14-under with 1950 rating and below) ay mag-uuwi ng tig-P2,500 plus trophy, P1,500 plus trophy, P1,000 plus trophy, P600 plus medal at P400 plus medal, ayon sa pagkakahilera. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy