Una sa Balita

De Guzman, Maraño, PH volley babanat na

0 291

LALAGARE na sina team captain John Vic De Guzman ng men’s team at Aby Maraño ng women’s squad para sa Philippine volleyball team na lalaban para sa 30th Southeast Asian Games.

Unang makakatapat ng men’s team ang bansang Cambodia sa Dis­yembre 2, sunod ang Vietnam sa Dis. 4 at bansang Indonesia sa Dis. 6, alas-sais nang gabi sa PhilSports Arena.

Pamumunuan ni head coach Dante Alinsunirin ang koponan na kinabi­bilangan din nina Marck Espejo, Bryan Bagunas, Ran Abdilla, Mark Alfafara, Joshua Umandal, Ish Polvorosa, Kim Ma­labunga, Francis Saura, Rex Intal, Ricky Marcos, Joshua Retamar, Jessie Lopez at Jack Kalingking.

Para naman sa wo­men’s squad, unang makakaharap ng Pinay spikers ang bansang Vietnam sa Disymebre 3, sunod ang Thailand sa Dis. 5 at Indonesia sa Dis.7, alas-sais nang gabi sa parehas na venue. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy