Una sa Balita

DDR umabante sa Kamara 

By
0 122

Umusad na ang panukala na nagsusulong sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) na isa sa prayoridad ng gobyernong Duterte.

Sumalang sa delibe­rasyon sa plenaryo ng Kamara nitong Miyerkoles, Setyembre 5 ang nasabing panukala na pumupuntiryang bumuo ng bagong kagawaran na tututok at tutugon sa panahon ng kalamidad.

“We appeal to our colleagues to pass the measure with urgency. When there is an imminent calamity or during an actual calamity, the DDR may exercise command and control over other relevant government agencies,” paha­yag ni House Committee on Government Reorganization chairman at Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo.

Inaprubahan ng komite ni Romualdo at ng House Committee on National Defense ang consolidated DDR bill.

Nagbigay na rin ng go signal ang House Committee on Appropriations kaugnay sa paglalaan ng pondo hinggil dito.

Ayon kay Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez, isa sa pa­ngunahing nag-akda ng panukala, importanteng maproteksiyunan at mapangalagaan ang buhay at mga ari-arian mula sa natural na kalamidad.

Nagpasalamat si Romualdez sa suporta ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa panukala.