Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DBM binigay na pondo ng 7 ahensya

0 86

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo ng pitong ahensiya ng pamahalaan nsa ilalim ng Bayanihan II na gagamitin para sa pagtugon sa mga naapektuhan ng COVID pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na binigyan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si DBM Secretary Wendell Avisado ng kapangyarihan para mag-apruba ng mga pondong dapat na mailabas .

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi na aniya dadaan sa Office of the Executive Secretary ang mga request para sa hinihinging pondo ng mga departamento ng gobyerno.

Kabilang sa mga tumanggap ng pondo nitong October 27, 2020 sa ilalim ng Bayanihan II ay ang Department of Trade and Industry (P100 million); National Disaster Risk Reduction and Management Council ( P5 billion) ; Department of Labor and Employment (P13.1 billion ); DSWD (P6 billion) ; Department of Agriculture (P11.632 billion) ; Department of Health (P20.575 billion) ; at 500 million pesos para sa funding requirements sa ilalim ng local government support fund.

Matatandaang pinuna ng mga senador ang ehekutibo dahil may mga ayensiyang hindi pa umano nakatanggap ng pondo mula sa Bayanihan I, subalit kinontra ito ng DBM dahil naibigay na umano ito. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.