Una sa Balita

Dayuhang illegal worker sa Boracay arestado

0 283

Dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immig­ration (BI) ang isang Indian natio­nal na nagtatrabaho bilang chef sa isang restaurant sa Boracay, Aklan nang walang kaukulang permit at visa.

Kinilala ni BI Intelligence Division Acting Chief Fortunato Mana­han Jr. ang dayuhan na si Vincent Joseph Mondal, 42-anyos, na sinasabing overstaying at undocumented alien na naaresto noong Setyembre 4.

Ang dayuhan aniya ay nahuli sa aktong nagtatrabaho bilang chef sa Namaster Restaurant na matatagpuan sa tabi ng palengke ng Boracay.

“He was unable to present his passport or any travel document when our agents confronted him to verify his immigration status,” dagdag niya.

Kasalukuyang nakakulong ang dayuhan sa BI detention center habang hinihintay ang deportation order.

(Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy