Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dayrit Cup alay kay Celso

0 22

HANGAD ng national fencers at coaching staff na bigyan ng parangal ang namayapa na dating Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Amateur Fencing Association (PAFA) president na si Celso “Cito” Dayrit sa pagsasagawa ng isang propesyonal na torneo na ipapangalan dito.

Sinabi ni Philippine fencing team head coach Rolando ‘Amat’ Canlas na matagal nang plano ng kinikilala ngayon na Philippine Fencing Association (PFA) ang pag-oorganisa ng isang professional fencing league subalit dahil sa bigla na paglaganap ng coronavirus ay naantala ang lahat ng ninanais nitong pagpo-promote sa sports.

“Plano pa lamang po ito at pag-uusapan pa namin sa pamunuan ng PFA. Balak po naming itong ipangalan mismo kay sir Cito Dayrit as a way of honoring him for his great help to the sports,” sabi ni Canlas sa onine edition ng lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

“After kasi ng collegiate league, wala nang patutunguhan ang mga fencers kundi ang national team. Eh kokonti lang naman ang slots sa national squad. So with a league, una na itong isinagawa noon nina Mayor Richard Gomez sa mga malls, may tournament weekly, and then may championships na makakatulong sa atin,” sabi ni Canlas. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.