Una sa Balita

Dayong bebot niratrat sa Baseco

0 253

DALAWANG beses na binaril sa ulo ang isang da-yong babae ng hindi nakikilalang gunman kahapon ng madaling-araw sa Baseco Compound ,Port Area, Maynila.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Joan J. Suazo, 39-anyos, No. 154 Cadena de Amor St. Tondo,Maynila base sa nakuhang barangay ID sa kanya ng mga pulis.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Marlon San Pedro,ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-4:30 nang madaling-araw nang mangyari ang pamamaril sa Bldg. 15-A Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sinabi ni Rosalie Aborque, nakarinig siya ng dalawang putok at nang labasin ay nakita niya ang nakatihayang biktima na bumagsak sa gilid ng tindahan.

Nalaman na hindi umano kilala sa lugar ang biktima at dumayo lamang ito dahil walang makapagbigay ng impormasyon kung sino ang pinuntahan nito sa lugar.

DInala ang bangkay sa Archangel Funeral para sa awtopsiya.

Habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at pagkakilanlan ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy