Una sa Balita

Dayanara tuloy ang laban sa skin cancer

0 379

Nag-post si Miss Universe 1993 Daya-nara Torres ng isang emotional at heartbreaking Instagram video. Sa naturang video, makikita na nasa ospital ito at nagpapa-treatment para sa kanyang sakit na skin cancer.

Suportado si Yari ng kanyang buong pamil- ya. Makikita nga sa IG video na parang isang fa- mily gathering ang pagpapa-chemo therapy ng former beauty queen dahil present ang kanyang mo-ther, sister at dalawang bro-thers niya.

Pinost din ni Yari ang isang video na nagpapaalam siya sa kanyang panganay na anak na si Christian sa airport ng Miami dahil mag-aaral ito ng college sa New York.

Bianca Umali nagpapaaral ng mga bata

Nagiging inspirasyon ng maraming kabataang babae si Bianca Umali dahil sa pagganap niya bilang palaban na Badjaw sa teleserye na “Sahaya”.

Kabilang sa magandang katangian ni Sahaya ay ang hangad nitong makamit ang magandang edukasyon para sa kanyang kinabukasan.

Kaya naman hindi nakakapagtaka na si Bianca ang kunin pa rin ng World Vision para sa campaign nila na “1000 Girls”.

Si Bianca ang tinalagang World Vision Ambassador for Education at ang goal ng 1000 Girls campaign ay ang makakuha ng sponsors ang isang libong kabataang babae para sa kanilang pag-aaral bago sumapit ang International Day of the Girl on October 11.

Kinuwento nga ng Kapuso teen star na may sponsored child din siya at natutuwa siya na maayos ang pag-aaral nito.

Nais ni Bianca na marami ang tumugon sa kanilang kampanya para mapag-aral nila ang higit na isang libong kabataang babae sa Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy