Una sa Balita

Day care service

0 323

Isa sa mga pangunahing programa ng #59 SINAG Party-list ay ang kagalingan ng ating kabataan.

Ayon nga sa mga nominado nito, “kung nais nating masiguro ang kaalwanan at kaunlaran ng susunod na henerasyon ng mga Filipino, nga­yon pa lamang ay atin nang pangalagaan ang kagalingan at protektahan ang ating mga kabataan.’’

Ito ang dahilan kung bakit patuloy itong humahanap ng mga kaparaanan upang makatulong sa ating kabataan.

At dahil sinusuportahan ko ang adbokasiyang ito ng SINAG at ng iba pang mga pro-youth group sa ating bansa, kasama ako sa pagha­hanap ng mga mabilis at epektibong prog­rama para masigurado na ang ating kabataan ay magiging produktibong miyembro ng ating lipunan.

Dito sa bayan ng Pakil, ang tinututukan natin ay ang a­ming mga bata o yaong ang edad ay 4-5 taong gulang dahil sa paniniwalang ang edad na ito ay ‘crucial’ sa pagbuo ng ugali, gawi at pagkatao ng isang bata.

 Kung magiging maayos ang kanilang paglaki, mas malaki ang posibilidad na sila’y maging responsable at produktibong miyembro ng ating mga komunidad. Ito ang dahilan kaya naman matindi ang suportang ibinibigay ng pamahalaang bayan sa mga day care center namin na pinapatakbo ng tanggapan ng municipal social welfare and development officer, sa pakikipagtulungan ng mga Sangguniang Barangay. 

Sa ngayon, 75% ng aming mga day care center ay air-conditioned na upang mas kumportable ang ating mga day care pupil.

Lahat din sila ay may mga HD Television set para sa kanilang mga audio-visual session at kinukumpleto na rin ang iba pang mga instructional material para mas maging maayos at sistematiko ang kanilang mga session.

Patuloy rin ang ating mga feeding prog­ram na tumatagal ng ilang buwan para masigurado lang na walang darating na mga bata sa day care center na walang laman ang sikmura. 

Sa darating na taon, atin ding pinadaragdagan ang mga honoraria ng ating mga day care volunteer upang lalo silang maengganyong magserbisyo sa ating mga day care pupil. 

Sa kabuuan, sa nakaraang 2 taon, ‘di maikaka-ila ang suporta na ibi­nibigay natin sa ating mga day care center na inaasahan nating maipagpapatuloy pa sa mga darating na taon.

Salamat po sa mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa ating mga day care program. Ang inyong suporta ay patunay na binibigyan niyo ng importansiya ang kagalingan ng inyong mga anak kasama ang pagtanaw na sa hinaharap, magiging mabuting kabataan at mamamayan sila ng Pilipinas.

Sa ating mga kababayan, suporta­han po natin ang ka­galingan ng ating kabataan na puwede nating ipakita rin sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga adbokasiya at programa ng mga pro-youth group gaya ng #59 SINAG Party-list.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy