Una sa Balita

Day 2: PH patuloy ang hakot ng gold

0 370

KINUMPLETO ni Hidilyn Diaz ang koleksiyon ng mga gintong medalya sa pagho-host ng Pilipinas sa Day 2 action ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games sa Ninoy Aquino Stadium.

Ipinadama ni Diaz ang kanyang pagnanais na ­makapagkuwalipika sa susunod na taon na 2020 ­Tokyo Olympics sa pagwawagi sa ­women’s 55-kilogram division Lunes nang gabi upang tuluyang tapusin ang matagal na panahon na hindi makapagwagi sa kada dalawang taong ­torneo.

Tatlong ginto naman ang pinedal ng Cycling sa pangunguna ni Lea ­Denise Belgira sa women’s downhill sa Laurel, Batangas.

Hindi rin nagpaiwan si John ­Derick Farr na dinoble ang ­maiuuwing ginto ng Pilipinas sa pagwawagi nito sa men’s downhill event na dinaanan din ang katulad na ruta.

Tinawid ni Farr ang finish line sa oras na dalawang minuto at 41.143 segundo upang biguin ang kakampi na si Eleazar Barba, na sumunod dito
Walang paki si Asian elite champion Monica Torres sa pananakit ng kanyang tiyan matapos sikwatin ang gold sa women’s duathlon sa Subic Bay Boardwalk.
Tinapos ni Torres ang 10km ­run-40km bike-5km run sa loob ng 2 oras, walong minuto at 44 segundo.

Samantala’y sisimulan ­naman ngayon ang mga kompetisyon sa ­Billiards, Bowling, Canoe Kayak, Fencing, Muay Thai, at ­Skateboarding. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More