Una sa Balita

Dawn todo puri kay Bitoy

0 360

abante-talbog-joe-barramedaPuro positive ang mga comment na naririnig namin tungkol kay Michael V bilang aktor/director/producer ng upcoming movie na “Family History.”

Kuwento ng mga artistang involved, lalo na si Dawn Zulueta, na maganda at ma­galing daw makisama si Bitoy sa kapwa artista at production crew.

Ang maganda pa ay hands on ang asawa ni Bitoy na si Carol bilang isa sa mga producer ng “Family History” na sinisiguro niya na naroroon lahat ang pangangailangan ng mga artista at staff. Mukhang nag-e-enjoy ang mag-asawa sa bagong project na pinatulan nila.

Ashley atras sa beauty pageant

Lumabas na si Ashley Ortega sa “Sahaya” kagabi at kitang-kita ang kaseksihan niya kasama si Migo Adecer na guwapong-guwapo rin, huh. Si Ashley ay nangarap ding maging beauty queen, ayon na rin sa sinasabi ng iba ay puwedeng-puwede siya.

Pero nagdesisyon siyang tapusin muna ang pag-aaral bago pasukin ang mundong ‘yun.

Masaya si Ashley na napabilang siya sa “Sahaya” na nagbibigay ng magandang impormas­yon sa magagandang kultura ng ating mga katutubo gaya ng Badjaw na bagay na bagay sa dalawang bida na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy