Una sa Balita

Dawn pinagkaguluhan ng mga Kapuso star

0 502

abante-talbog-joe-barramedaBalik-trabaho na ang mga artista sa kani-kanilang network. Move forward na tayo after election at ready to grind again.

Nakita ko na nga na nag-taping sa “Bubble Gang” si Dawn Zulueta na leading lady ni M­ichael V sa upcoming movie niya na “Family History.” Sa nasabing taping ay nagmistulang mga fan ang cast and crew ng “Bubble Gang” na walang patid sa pagpapa-picture kay Dawn while ongoing ang taping.

Hindi naman nagdamot si Dawn at game na nagpa-picture sa kanila. Kaya masaya ang lahat sa ipinakitang kabaitan ni Dawn at walang pa-VIP effect sa studio. Para lang siyang isa sa mga cast ng “Bubble Gang.”

Migo tumataba

Natutuwa kami for Migo Adecer sa ma-laking improvement niya sa acting base sa napanood namin sa “Sahaya” kung saan ka-triangle niya sina Bianca Umali at Miguel Tanfeli­x. Lalong gumaganda ang bawat eksena kaya dumarami ang sumusubaybay rito.

Pero dapat siguro bantayan ni Migo ang diet niya at mukhang tumataba siya sa screen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy