Una sa Balita

Dawn nagpasilip ng kaseksihan, kalalakihan nag-init

0 1,917

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyBiglang naging katakam-takam ulit si Dawn Zulueta nu’ng i-post niya sa Instagram ang throwback photo niya. Makikita sa IG ni Dawn ang whole body shot niya na naka-white string top bra at nakatapis lang ng puting tela.

Nagpasilip ng balikat at tiyan si Dawn. Uminit bigla ang social media sa throwback photo na ito ng aktres na kuha nu’ng 2010 (8 years ago).

“2010, Beach-ready at age 41 and 9 months after I gave birth to Ayisha #throwbackthursday,” sabi ni Dawn.

Naggu-glow ang kanyang mukha sa kagandahan nung time na ‘yon. At siyem­pre pinuri ng kanyang mga follower si Dawn na akala ay recent photo ito ng aktres.

Pero in fairness, totoo naman ang kanilang obserbasyon na habang tumatanda, pabata naman nang pabata ang look ng kanilang idol.

Kim, Anne humingi ng boto para kay Catriona

Nangunguna sina Kim Chiu at Anne Curtis sa mga artista na nagla-lobby o nangampanya para makakuha pa ng mas maraming supporter at boto ang Philippine bet sa Miss Universe 2018, na si Catriona Gray.

Matapos kumalat sa social media ang preliminary judging ng Miss U sa Thailand nu’ng Huwebes at nagbigay ng kanyang overall stunning performance si Catriona sa swimsuit, evening gown category, ratsada agad ang dalawang Kapamilya star sa pagpuri sa beauty queen.

Hindi maipagkakailang tumutok din sina Anne at Kim sa pagrampa ni Catriona sa preliminary dahil ito ang naging laman ng kanilang tweet, at ang pasabog na presensya ng huli.

“#CatrionaGray killed it at the prelims! BOTH WALKS were amazing! As in! Both so graceful and unique! Pang slow mo!!!” sabi ni Anne.

“And ganda ng Miss Universe stage ng Thailand!!! Congrats @catrionaelisa go Philippines!!!” sabi naman ni Kim, ang bida sa pelikulang One Great Love.

Tagumpay ni Apl.De.Ap sa Grammy kinilala ni Lea

Kinorek ni Lea Salonga ang impression ng marami na ang kauna-unahang Pinoy na na-nominate sa Grammys. Isang follower kasi ni Lea ang nagtanong kung siya ba ang first Pinoy na nagbigyan ng Grammy nomination?

@mahusaymagicpic, “Are you the very first Filipino who received a Grammy Nomination? If yes, you’ve just made a history for all the Filipinos around the world and for the Philippines.”

Sinagot naman ito ni Lea at sinabing ang kasamahan niya sa The Voice Phili­ppines coach na si Apl.De.Ap ng Black Eyed Peas ay multiple Grammy winner.

“@mahusaymagicpic Apl.De.Ap of the Black Eyed Peas is a multiple Grammy winner, I believe. I’m hardly the first Pinoy nominee,” sabi pa ni Lea.

Sa conversation trend, sumulpot na ang iba pang pangalan nang mga Pinoy na nanalo ng Grammy, sina Jhett Tolentino na isang Ilonggo at Broadway producer ay Grammy winner din. Si Bruno Mars din daw ay isang half-Pinoy na Grammy winner din at ang dalawa pang member ng rock band na pawang mga Pinoy rin.

Ashley Ortega sobrang wild sa harap ni Aquaman

Kulang na lang ay masiraan ng bait si Ashley Ortega nu’ng dumalo siya sa launching/preview ng Hollywood movie na “Aquaman” dito sa Pilipinas.

Makikita sa Instagram post ni Ashley ang iba’t ibang reaksyon niya sa pagdalo sa event. Sa ilang larawan masisilip na halos lumabas na ang ngala-ngala ng aktres nang maki-selfie siya kay Jason Momoa, bida ng Aquaman.

Sa reaksyon ni Ashley, naging wild ito at parang masisiraan ng bait sa sobrang kasiyahan na nakita niya nang malapitan ang Hollywood actor.

Sa mga showbiz happening at presscon, kimi at halos hindi maka­basag ng pinggan ang mga kilos at galaw ni Ashley. Pero nabali lahat ‘yun at nasira ang poise ng dalaga sa harap ng hinahangaan niyang international star.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy