Una sa Balita

Dawn nagpakitang-gilas sa paggiling kay Igan

0 341

Ni Dondon Sermino

Ngayong Miyerkoles (June 19), dadalaw for the first time sa “Tonight with Arnold Clavio” (TWAC) ang nag-iisang si Miss Dawn Zulueta. Kaya humanda nang mamangha kay Dawn – na bida sa upcoming Kapuso movie na “Family History” kasama si Michael V – sa ipapakita niyang charm, beauty, at intelligence habang nakikipagkulitan kay Igan.

Sa ‘Ins-ta-truth’, ibabahagi ni Dawn ang ilang throwback pictures kung saan makikita ang iba’t iba niyang looks na talagang patok sa kanyang mga fan.

Malalaman na rin kung ano ang sikreto sa kanyang ageless beauty.

Bukod sa pagiging excellent actress, isang certified music lover din si Dawn! Hindi lamang siya tutugtog ng piano, magpapakita pa siya ng kanyang dancing skills.

Always classy at glamorous ang peg ni Dawn, pero malalaman sa tatak-TWAC game na ‘Nasubukan Mo Na Ba’ kung siya ay simple at Pinoy na Pinoy rin. Nasubukan na kaya niyang mag-take home ng pagkain sa party, kumain nang nakakamay, at makipagtawaran sa tiangge?

Makikilala rin si Dawn bilang wife at mommy, bagay na may kaugnayan sa pinakabago niyang pelikulang may temang pam-pamilya.

Tutukan ang nakakaaliw na kuwentuhan nina Dawn at Arnold ngayong gabi sa “Tonight with Arnold Clavio”, 10:15 pm sa GMA News TV.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy