Una sa Balita

Dawn nadamay lang sa MMFF scandal

By
0 309

Tanggap ni Dawn Zulue­ta na mahigpit ang labanan sa 43rd Metro Manila Film Festival dahil sa mga entry nina Coco Martin at Vice Ganda.

Para kay Dawn, malaking hamon­ ang mapabilang sa Top 3 ng MMFF pero naniniwala siya na magugustuhan ng publiko ang pelikula nila ni Vic Sotto, ang Meant To Beh.

“I think we’re the only family-oriented vehicle in the festival which is good. I’m sure the viewing public will not only enjoy the film but pick up some valuable lessons from its va­rious themes,” ang sabi ni Dawn na nanalo na ng best actress para sa Kung Mawawala Ka Pa, ang official entry ng Reyna Films sa 19th Metro Manila Film Festival noong 1993.

Ginanap ang Gabi ng Parangal ng 1993 MMFF sa PICC Plenary Hall na naging kontrobersyal dahil sa lumabas na listahan ng winners, ilang araw bago nangyari ang awards night.

Nominated sa best actress category si Nora Aunor para sa Inay pero kumalat ang balita na si Aiko Melendez, ang lead actress ng May Minamahal ng Star Cinema, ang mananalo kaya nagalit ang Noranians na gumawa ng gulo sa pamamagitan ng pag-iingay at paghahagis ng mga silya sa PICC Plenary Hall.

Nagbanta rin sila na sasaktan ang isa sa mga hurado, ang former television host na si Butch Francisco na sa sobrang pagkataranta, naiwan sa venue ang bottle of wine na Christmas gift sa kanya.

Pero nabigla at nati­gilan ang Noranians nang i-announce ang pangalan ni Dawn bilang best actress winner. Kung si Aiko ang nanalo, malamang na lalong hindi na nakontrol ang galit ng mga tagahanga ni Nora dahil mapa­patunayan na totoo ang leakage.

Ilang araw matapos ang Gabi ng Parangal ng MMFF 1993, nagkaroon ng imbestigasyon tungkol sa kaguluhan na nangyari ang executive committee ng MMFF.

Naganap ang imbestigasyon sa isang restaurant sa Greenhills at isa sa mga ipinatawag ni MMFF official Atty. Espiridion Laxa si Lolit Solis na pinagbintangan na source ng leakage.

Ang pagkakasangkot ni Lolit sa 1993 MMFF controversy ang ‘pre­lude’ sa kapilyahan na ginawa niya sa Manila Film Festival noong June 1994.