Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Davis tinambakan si Lillard, Portland durog!

0 439

PAHIYA si LeBron James at Los Angeles Lakers sa Portland noong Game 1 ng kanilang Western Conference first-round series.

Huwebes ng gabi sa Orlando bubble, bounce-back si James at ang Lakers sa bisa ng 111-88 dominanteng panalo para itabla ang serye sa tig-isang laro.

May 10 points, 6 rebounds at 7 assists si James sa loob lang ng 26:47, nagawang ipahinga dahil sa big night ni Anthony Davis.

Walang big man na maitapat ang Trail Blazers, sumagasa si Davis ng game-high 31 points mula 13 of 21 shooting at 3 for 4 sa labas ng arc.

Nagdagdag pa siya ng 11 rebounds, 3 assists, tig-isang steal at block sa kulang 30 minutes.

Mainit din si Kentavious Caldwell-Pope na 4 for 6 sa 3s tungo sa 16 points.

Ito ang unang postseason win ng Lakers sapul noong May 18, 2012.

Maagang natapos ang gabi ni Portland star Damian Lillard nang abutin ng index finger dislocation habang baon na sa 85-55 ang Blazers.

Halatang inis si Lillard nang ilabas sa third quarter, hindi na nakabalik pero team-high pa rin ang tinapos na 18 points.

Negative ang X-rays pero hindi pa sigurado kung makakalaro siya sa Game 3 bukas.

May 13 points si CJ McCollum, pero katiting na 2 points lang ang ambag ni Carmelo Anthony sa Portland. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.