Una sa Balita

Davis, LeBron sasamahan: Russell trip bumalik sa Lakers

0 486

MAINIT na destinasyon ngayon ang Los Angeles Lakers para sa mga free agent, primerong dahilan ang pagsasanib-puwersa nina Anthony Davis at LeBron James sa City of Angels.

Ilan sa matutunog na pangalan na posibleng bumuo sa Big Three ng LA ay sina Kemba Walker, Jimmy Butler at dating naging kakampi ni LeBron na si Kyrie Irving.

Ngunit isa pa ang nagpaparamdam sa koponan, isang dati na ring nirepresenta ang Purple and Gold ng dalawang season.

Ayon sa report ni NBA insider Arye Abraham, may strong interest­ umano ang LA para papirmahin ng kontrata si D’Angelo Russell, balak itapon sina Mo Wagner, Isaac Bonga at Jemerrio Jones para mapaluwag ang cap space at makuha si Russell.

Aniya pa, walang masamang tinapay si Russell sa Lakers organization, at willing bumalik sakaling magkasundo sa usapan ng pera.

“A source within the Lakers organization not authorized to speak publicly has confirmed to me that the Lakers have strong interest in free agent guard D’Angelo Russell. I’m told the La­kers FO plan to have a face to face meeting with Russell at the beginning of free agency,” ayon kay Abraham.

Hinihintay na lang aniya pa ng Lakers na maging unrestricted free agent si Russell, na may tsansang mangyari sakaling masungkit ng Brooklyn Nets si Kyrie Irving at i-renounce ang kanilang rights sa 23-anyos na guard.

Kung sakali, makakaagaw ng Lakers sa ligawan ang Phoenix Suns lalo’t magkaibigan si Russell at Devin Booker. (RMP

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy