Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Davis, LeBron pinulbos ang Nuggets

0 161

SISIW!

ILANG oras matapos maungusan ni Giannis Antetokounmpo sa MVP award, pinagdiskitahan ni LeBron James ang Denver Nuggets sa Game 1 ng Western Conference finals.

Napasama pa ang tapak ni James sa dulo ng first quarter, nagmukhang mawawala na sa laro nang mapilipit ang paa habang pasugod sa basket.

Nakakadalawang puntos pa lang siya nu’n.

Kahit nakangiwi sa sakit, inayos lang ni LeBrona ng pagkakasintas ng kaliwang sapatos at bumalik sa laro para giyahan ang pagkalas ng Lakers.

Nagsumite si James ng 15 points, 6 rebounds at 12 assists sa loob ng 31 minutes para akayin ang Los Angeles sa dominanteng 126-114 panalo.

Tumabo ng 37 points at 14 rebounds si Anthony Davis, may 18 pa si Kentavious Caldwell-Pope sa Lakers. Nag-ambag si Dwight Howard ng 13 points at pinangunahan ang buong gabing pambubulabog kay Nikola Jokic.

Maagang na-foul trouble ang Nuggets big man, nakapagsumite ng 21 points, 6 rebounds at 2 assists – malayo sa halos double-double niya sa first two rounds.

May 21 din ang tandem ni Jokic na si Jamal Murray.

Iwan pa sa 38-36 pagkatapos ng first 12 minutes ang Lakers bago tinapakan ang silinyador sa second. Dumistansiya ng hanggang 27 ang LA bago kumampay na lang sa dulo.

Game 2 bukas. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.