Una sa Balita

Davis, LeBron butata sa Toronto

0 427

BALIK sa lupa ang Los Angeles La­kers, naputol ang seven-game winning streak nang hiyain ng Toronto Raptors 113-104 sa Staples Center Linggo nang gabi.

Wala pa ang dalawang stars ng Raptors na sina Kyle Lowry at Serge Ibaka, pero hindi pinaporma ng support cast ng defending champions sina LeBron James at Anthony Davis.

Nag-deliver si Pascal Siakam ng 24 points at 11 rebounds, tumapos si Fred VanVleet ng 23 points at 10 assists para sa Toronto. Pinantayan ni Chris Boucher ang kanyang career-high na 15 points.

Wala si Lowry (broken left thumb) at inabot ng sprained right ankle si top reserve Ibaka, apat na reserve ang nasa loob nang mag-rally ang Raptors sa kaagahan ng fourth bago kumapit sa panalo.

Umiskor ng 14 si Norman Powell kapalit ni Lowry sa starting spot. Si Siakam lang ang starter sa loob nang magkasa ang Toronto ng 17-6 run sa bukana ng fourth, siyam dito mula kay Boucher. Kumuha rin ang Raptors ng 10 points mula kay Rondae Hollis-Jefferson.

Highlight ng laro ni Boucher – baka pati career – nang butatain ang layup ni LeBron sa fourth. Nakatatlong block ang Canadian at 7 of 11 mula sa field.

“I’m going to remember this fore­ver,” ani Boucher, miyembro ng last two teams na nag-uwi ng NBA crown. “I always wanted to play against (James and Davis) and to get a win makes it even better.”

Umiskor si Davis ng 27, kinumpleto ni James ang kanyang 85th career-triple double sa 13 points, 13 rebounds at 15 assists. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy