Una sa Balita

Davis hindi tumagal sa court

0 489

AYAW palagpasin ni Anthony Davis ang pagkakataong lumaro sa All-Star Game, hindi siya napigil kahit ng injured left shoulder na rumampa sa Charlotte.

Nitong Huwebes ay hindi na naglaro si Davis sa ­second half ng bakbakan ng New Orleans Pelicans kontra Oklahoma City Thunder dahil sa bruised shoulder.

Makalipas ang tatlong araw, suot niya ang Team LeBron jersey at sumalang.

Pero sandali lang siya, tumagal lang ng 5 minutes sa loob. Nang ilabas ay dumiretso sa locker room at hindi na nakabalik.

May 5 points si Davis sa 178-164 win ng Team LeBron sa Team Giannis ni Giannis Antetokounmpo nitong Linggo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy