Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lakers 2-0 sa tres ni Davis : Walang kaba

0 156

NAGSALPAK ng game-winning three pointer si Anthony Davis sa natitirang 2.1 segundo bago tumunog ang buzzer upang akbayan ang Los Angeles Lakers sa 105-103 panalo kontra Denver Nuggets kahapon sa Game 2 ng 2019-2020 NBA Western Conference Finals.

Abante ng isa ang Nuggets, 103-102, may dalawang segundo na lang sa orasan, pagkasalo ni Davis ng bola pumihit lang ng konti paatras at saka umere upang itarak ang panelyong tres.

Tumikada si Davis ng 31 points at siyam na rebounds upang ilista ang 2-0 bentahe ng Lakers sa kanilang best-of-seven series.

Lumamang ng 16 puntos ang Lakers sa third period pero unti-unting gumapang ang Nuggets.

Nagtala si four-time Most Valuable Player (MVP) LeBron James ng 26 puntos at 11 rebounds para sa Lakers.

Namuno sa opensa para sa Denver si Nikola Jokic na kumana ng 30 puntos at siyam na assists.

Bukas ang susunod na bakbakan ng Lakers at Nuggets at gaganapin pa rin sa Walt Disney World sa Orlando, Florida. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.