Una sa Balita

David type maging judge ng ‘Idol Philippines’

By
0 548

Wala naman daw gaanong priorities ngayon ang international singer na si David Archuleta kaya kung sakaling maimbitahan siya para mag-judge sa upcoming show ni Regine Velasquez na Idol Philippines ay ‘it would be fun,’ ayon sa kanya.

Pero wala naman daw offer sa kanya dahil siguro nga ay buo na ang judges para sa singing contest na ito, so, ini-enjoy na lang niya ang stay niya rito sa Philippines kung saan napanood namin ang kanyang show kagabi sa New Frontier Theater.

Sa pagkakaalam namin, ang isa sa makakasama ni Regine ay si Billy Crawford na kaka-renew din ng contract sa ABS-CBN.

Para kay David, karapat-dapat daw ang Asia’s Songbird na maging host nito o hurado man dahil sa lawak ng karanasan nito sa larangan ng pagkanta ay marami nang puwede siyang mai-comment sa mga lalaban.

Marami rin daw itong maipapayo at authority na ito pagdating sa aspetong ito kaya mas kapani-paniwala ang magiging opinyon nito.

 

Mga lambingan photo nina Bianca, Ruru sa Siargao burado na

Seems like there’s no stopping sa relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Naglabasan na nga ang ilang pics nila sa kanilang Halloween getaway sa Siargao na halata namang happy couple ang dalawa.

Well, kung happiness overload man ito sa dalawa, wala namang masama dahil pareho naman silang single and they are just having a time of their lives, ‘di ba?

Pero, bakit kaya agad namang binu­ra ang pics nila ng nag-upload nito?

Meron bang sumita o sadyang mas ginusto niyang hayaan na lang maging private pics niya ito at remembrance na lamang sa pinakabagong couple diumano ng Kapuso network?

Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nakita sila together, kaya ang wini-wish na lang ng ibang netizens ay umamin na lang sila kung sila na nga katulad ng ibang lovers sa showbiz para hindi sila parang mga dagang nagtatago sa public eye.

Sabi nga, kung talagang proud ka, e, flaunt it. Kebs ba nila, devah?

Kesa naman kung kelan na hiwalay at saka naman mag-e-emote in public.

Anyway, i-wish na lang natin ng happiness ang dalawa dahil deserved naman nila ang whatever happiness na nafi-feel sa isa’t-isa at enjoy it na lang while it lasts.

Naman!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy