Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

David, iba pang CBCP exec umupo na

0 151

OPISYAL nang nakaupo kahapon bilang bagong pa­ngulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Pinalitan ni David sa puwesto si Davao Archbishop Romulo Valles na natapos na ang termino. Si David ang dating bise presidente ng CBCP.

Si Pasig City Bishop Mylo Hubert Vergara naman ang pumalit kay David bilang CBCP vice president.

Umupo na rin sa puwesto ang mga bagong miyembro ng CBCP Permanent Council na sina Archbishop Ricardo Baccay ng Tuguegarao, Bishop Dennis Villarojo ng Malolos, Bishop Ruperto Santos ng Balanga at Archbishop Gilbert Garcera ng Lipa para sa Luzon.

Habang sa Visayas naman magiging regional representative sina Bishop Jose Bantolo ng Masbate, Bishop Patrick Daniel Parcon ng Talibon at Bishop Louie Galbines ng Kabankalan. Sa Mindanao ay sina Archbishop Jose Cabantan ng Cagayan de Oro at Bishop Abel Apigo ng Mati.

Nahalal sila sa idinaos na plenary assembly ng mga Obispo noong Hulyo at manunungkulan sa loob ng dalawang taon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.