Una sa Balita

David Archuleta todo-iyak sa concert niya

By
0 28

Napaiyak si David Archuleta nang kantahin nito ang Nandito Ako sa one-night only concert niya sa Kia Theatre noong Biyernes. Na-miss niya ang Pilipinas at overwhelmed sa dami ng mga nanood, ang mga speculation tungkol sa pag-iyak ni David na maligayang-maligaya sa mainit na pagtanggap ng fans sa kanyang pagbabalik, limang taon matapos na mag­bida siya sa Nandito Ako, ang television series ng TV5 noong 2012.

Nakatulong ang maturity ni David sa madamdamin na pag-awit niya sa punumpuno ng emosyon na lyrics ng kanta na pinasikat ni Ogie Alcasid noong late ‘80’s. Mas mahusay na singer at malalim na ang hugot ng pagkanta ni David sa Nandito Ako sa concert niya sa Kia Theatre.

Si David ang pangalawa sa mga international singer na naglabas ng cover version ng Nandito Ako dahil nauna sa kanya ang Mexican singer/actress na si Thalia na ni-record ang nasabing kanta noong 1997. Sikat na sikat si Thalia sa Pilipinas dahil sa kanyang hit telenovela na Marimar na napanood sa RPN 9 noong 1996.

Kris Aquino humamig  ng violent reactions sa  ‘depression’ ek-ek niya

Kung big news sa Amerika ang mga bintang na pang-aabuso ng Hollywood movie producer na si Harvey Weinstein sa mga aspiring actress, ang isyu ng depression ang hot topic ngayon sa Pilipinas.

Umani ng mga batikos si Joey de Leon dahil sa pahayag nito na gawa-gawa lamang ang depression pero ito pala ang magiging dahilan at daan para mapukaw ang damdamin ng mga tao at tutukan ng atensyon ang problema na lalong naging relevant nang magpakamatay ang kapatid ni Nadine Lustre.

Humingi na ng paumanhin si Joey at inamin nito ang pagkakamali pero dapat na pasalamatan din siya dahil kung hindi dahil sa kanyang kontro­bersiyal na pahayag, hindi papansinin ang isyu.

Marami sa mga artista ang nakararanas ng depression at kabilang sa kanila si Kris Aquino. Sa isang interview, sinabi ni Aquino na dumaan siya sa depression dahil sa kawalan ng television show.

“Tinatanong ko talaga sa sarili ko, ‘Hindi na ba ako magaling? Ano ba talaga ‘yung nangyari?’

“‘Yun talaga, itatanong mo talaga, ‘What’s wrong? Or is it really just because I’m being punished kasi last name ko ‘to?

“Hindi talaga ako puwedeng mabigyan ng one hour kahit once a week?

May ganu’ng feeling talaga,” ang pahayag ni Kris sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal.

Bayolente at hindi pabor kay Kris ang reaksiyon ng mga tao sa mga salita na binitiwan ng TV host/actress kaya mas makabubuti na huwag na nitong basahin ang negative comments dahil baka bumalik lamang ang depression niya.