Una sa Balita

David, Aquino, iba pang Legends didribol sa LA

0 314

PAGKADATING ko galing Hawaii noong Disyembre 28, 2018 ng mga 11:30pm sa LAX Airport, nagtungo agad kami sa Conrad’s Restaurant para makipag-meet sa mga posibleng ka-tie-ups natin na para sa napupusuang basketball exhibition games na gaganapin sa LA at New Jersey bandang April 2019.

Kabilang sa mga sasabak rito ang Legends na gusto ng ating mga kababayan na sina Bal David, Marlou Aquino, Noli Locsin, Bonel Balingit, Allan Caidic, Bobby Jose, Gerry Esplana, Johny Abarrientos, atbp.

Kinabukasan, nakipag-meeting naman tayo sa isa sa mga maimpluwensiyang music personality na si Pete Farmer para rin sa isa pang proyekto tungkol sa pagdala ng mga sikat na mang-aawit mula US na puwedeng dalhin sa Manila.

Ang pakikipagkita namin ay inayos ng sikat na makeup artist na si Maxi Lanuza.

Naging kliyente niya ang mga Kardashian sisters, Paris Hilton, Tony Braxton at kung sino-sino pa.

Dumating din sina Rosie Chua ng Arko Foods, Madamme Trinie Foliente at Betty Francisco.

Pagsapit ng Bagong Taon, dumalo kami sa isang salu-salo sa may Sunset sa isang exclusive na subdivision na pagmamay-ari ni Tita Celia Abaya Dy. Nandoon din ang dating sikat na mang-aawit na si Anthony Castelo at Jhoanna Garcia.

Ang ating bakasyon ay naubos sa kakapasyal sa mga paborito nating mga mall tulad ng Nordstrom Rack Galleria, Marshalls, Ross, Macy’s, Target, TJ Maxx at kung saan-saan pa.

Ang walang kamatayang Thai food si­yempre ng LA ang hindi natin pinalampas at mga Fuji buffet.

Nito namang Enero 5, pagkabalik ko ­ga­ling LA ay nagtungo kami ng aking pamilya sa ONEAWA area. Mga 15 minutes lang ang layo sa aming AIR BnB.
Ang karamihan sa mga bahay dito ay mga bungalow pero cute, ‘ika nga, pang magazine.

Bumalik naman kami kinabukasan sa Kailua Beach para lumangoy at mas lumamig ang hangin at tubig pero malinis ang lugar, dagat at kapaligiran dito.

Ang mga tao ay conscious sa mga galaw nila, magagalang sa mga tumatawid sa kalye at kapag nakasalubong mo ang mga tao, sila ay may nakahandang pagbati na aloha at shaka.