Una sa Balita

Davao Thunders binubuo na

By
0 1

Bakit nga ba kaila­ngang umalis pa ng bansa ng Gilas team gayung nandito naman sa Pilipinas ang labanan.

Sabi ng iba, mas mabuti nga kung nag-practice na lang sila araw-araw sa MOA Arena at pinerfect nila ang three-point shots nila sa venue.

Mabuti na lang at maagang nakaalis ng Istanbul airport ang Gilas team.

Nasa same location sila kung saan nangyari ang isa na namang terrorism act sa airport kung saan marami ang namatay at na-injure.

Biruin mo kung ang Gilas team ang napasama diyan sa trahedya na ‘yan.

Tiyak na sangketerbang sisihan yan sakaling napahamak ang mga players at staff.

***

Si Dan Sara ngayon ang inaasahan sa court ge­neralship ng San Beda College.

Mahalaga ang role na ginagampanan ngayon ni Dan sa team at alam niya ang responsibilidad na nasa kamay niya.

Siya ang team captain ng Red Lions na ang slogan ng kampanya ngayong season ay ‘Redemption’ dahil talagang kailangan nilang ma­kabawi from last year’s loss to Letran.

***

Naglaban ang Ginebra at TNT sa isang tune-up game kahapon.

Nanalo ang Ginebra.

Hindi naglaro sa Gineb­ra sina Greg Slaughter at Chris Ellis pati na rin si LA Tenorio.

Wala rin sa TNT si Matt Rosser na galing lang sa surgery sa paa.

***

Binubuo na pala ang Davao-Flying V basketball team na nakatakdang sumali sa bagong tatag na Philippine Basketball Championship league.

Ironic pero ang composition ng team ay purong Ateneo at La salle players lang.

Ang ilan sa siguradong maglalaro ay sina Mikee Cabahug, Gwayne Capacio, Oda Tampus, Joseph Marata at kasaluku­yan din nilang kinakausap pa si Kiefer Ravena.

Malamang din daw na palaruin nila si Danny Ildefonso.

Si Aric del Rosario ang head coach.

Team manager si FilOil Flying V managing director Joey Guillermo.

Ang opening ng PBC ay sa August, covered live ng ABS-CBN Sports.