Una sa Balita

Davao student hinangaan sa pamalit sa PowerPoint presentation

0 349

Hanga ang isang guro sa Davao City sa kanyang estudyante dahil kahit wala itong laptop, nagawa pa rin nitong mag-report sa klase dahil sa diskarte.

Inatasan kasi ng guro ang estud­yante na magsagawa ng PowerPoint presentation sa klase pero nangatuwiran ang huli na wala siyang laptop kaya’t sinabihan ng titser na gumawa ng paraan.

Bumilib ang guro kinabukasan dahil nagawa ng estudyante ang pinag-uutos sa kanya kahit walang laptop sa pamamagitan ng pagdikit sa blackboard ng mga printed na kopya ng report.

“She presented perfectly the report, and I believe we need to be happy about that,” ayon sa guro.
Ipinost ng titser sa Twitter ang ginawa ng kanyang estudyante at marami naman ang natuwa, may ilan na nag-bash at mayroon din na minaliit ang ginawa ng bata.

“Ayos yan at least alam ni titser na nag-effort ka,” komento ng isang Twitter user.

“A for the effort..A+ when it delivers perfectly..no need to be ashamed about it, wait for your turn…God bless,”ayon naman sa isang user.

“Ganyan naman kami noon, visual aids Manila paper gamit, now lang nauso laptop na yan,” sagot naman ng isang netizen.