Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Davao sinailalim sa MECQ, GenSan nasa GCQ

0 48

Inilagay ng Inter-Agency Task Force sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Davao City epektibo ngayong Sabado, June 5 hanggang June 20, 2021.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos magpulong ang IATF nitong Huwebes, June 3, 2021.
Ang Davao City ay nasa General Community Quarantine (GCQ) at mababago ang community quarantine ngayong Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inilagay naman ng IATF sa GCQ ang General Santos City epekto ngayon, June 5 hanggang June 30, 2021 mula sa kasalukuyang status na MGCQ.

Ang pagbabago sa quarantine status ng nabanggit na dalawang lungsod ay bunsod ng nakitang pagtaas sa kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.