Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Davao resort yari sa pag-ban ng transgender

0 100

BINANATAN sa social media ang Isla Reta Beach Resort matapos magreklamo ang isang transgender woman sa kanyang naging karanasan sa naturang estabilisimyento.

Sa Facebook post ni Shannon Remotigue Gonzaga, sinabi ni- yang siya’y nabastos sa naturang resort sa Samal, Davao del Norte nang pagbawalan siya sa pag-gamit ng pambabaeng CR.

Pinaliwanag ni Shannon sa babaeng empleyado na siya’y isang transwoman at hindi gay. Giniit pa umano ng empleyado na magpakita ng katibayan na siya’y nagpa-opera para magingbabae.

Dito na dumulog si Gonzaga sa manager ng resort, ngunit tila kinampihan pa nito ang kawani dahil diniin nitong bawal daw talaga ang bakla sa pambabaeng CR.

Sabi ng transwoman, hindi siya nagrereklamo dahil hindi siya pinapasok sa female restroom, ngunit nakaramdam siya ng pamamahiya sa staff ng resort.

Ayon naman sa resort, hindi na sila tatanggap ng transgender para maiwasan ang isyu ng diskriminasyon.

“We inform to the public we cannot accommodate transgender because we have no facility for them to avoid issues of discrimination.”

Hindi ito nagustuhan ng mga netizen, kung saan reaksiyon ng ilan ay dapat magsarado na lang ang naturang resort dahil sa pagiging ‘homophobic’ ng management nito. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.