Una sa Balita

Davao-pride Mangosong arangkada sa Supercross

0 483

HINDI binigo ni Davao-pride Bornok Mangosong ang kanyang mga tagahanga matapos pagharian ang inaabangang pro open class sa unang yugto ng MX Messiah Fairgrounds (MMF) Supercross 7 sa MMF, Club Manila East, Taytay Rizal.

Sa kabila ng aber­yang dulot ng pagkasira ng Yamaha bike Yz450f 2016 ni Mangosong ilang oras bago ang pro open class, hindi nawalan ng kumpiyansa at ng pokus ang rider.

Kailangang humiram si Mangosong sa race boss na si Sam Tamayo ng Yamaha Yz250fx 2018 upang sagupain ang mga karibal.

Gamit ang walang takot na estilo, inungusan ni Mangosong ang batang mandirigmang si Ompong Gabriel upang kunin ang u­nang puwesto. “Talagang pokus lang at huwag kang kabahan. Nu’ng nakita ko ng hindi na talaga gumagana ‘yung bike, nag-iisip na ako ng mahihiraman kasi gusto ko pa din kumarera. Kung akin, akin. Kung ‘di naman, ganon talaga. Pero mahalaga ay pokus ka pa din,” sabi ni Mangosong, 27.

Gagawin ang ikalawang yugto ng serye sa Marso 3.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy