Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Davao PIO chief sa drug raid, walang warrant – Palasyo

0 174

Hindi si Jeffrey Tupas, na dating information officer ni Davao City Mayor Sara Durerte-Carpio, ang target sa raid na ini-lunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang resort sa Davao City.

Ito ang inihayag ng Malacañang bilang tugon sa mga puna na binigyan umano ng special treatment ito at pinayagang makaalis matapos ang raid.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na batay sa pahayag ng PDEA, hindi kasama sa listahan ng busy-bust operation si Tupas kaya hindi siya kasali sa mga inaresto at kinasuhan.

“Nagkumpirma po ang PDEA na iyong dating information officer ni Mayor Sara at hindi po kasama doon sa search warrant or kaya doon sa warrant of arrest na inisyu para sa buy-bust operation na ito,” ani Roque.

Dagdag nito, hindi kabilang si Tupas sa mga personalidad na target ng PDEA sa drug bust operation nitong weekend.

Nauna nang kinuwestiyon ng mga kritiko at netizens kung bakit pinayagang umuwi si Tupas kasama ang boyfriend nito matapos ang operasyon ng PDEA gayong kasama ang mga ito ng negosyanteng target sa operasyon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.