Una sa Balita

Davao Oriental inuga ng magnitude 4.1

0 182

By Vick Aquino

NIYANIG ng magnitude 4.1 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental, kahapon nang madaling-araw.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang pagyanig bandang alas-2:30 Linggo nang madaling-araw sa may layong 19 kilometro sa bahaging timog-silangan ng bayan ng Cateel.

Tectonic ang origin ng lindol na nasa 31 kilometro ang lalim ng pagyanig.
Wala namang naitalang nasugatan at nasirang ari-arian at wala ring naganap na aftershock matapos ang pagyanig.

Samantala, nakaramdam naman ng Intensity III sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur habang nasa Intensity I ang nagpauga sa Bislig City, Surigao del Sur.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy