Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Davao Oriental dineklarang mining free zone ng Kamara

0 42

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na ideklarang mining free zone ang Davao Oriental.

Walang tumutol sa pagpasa ng panuklang Davao Oriental Mining Free Zone Act (House Bill 6563) na nakatanggap ng 219 boto.

Ang panukala ay akda nina Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., at Davao Oriental Rep. Joel Mayo Almario.

Kapag naisabatas, wala ng ahensya ng gobyerno na pahihintulutang magbigay ng permit na may kaugnayan sa pagmimina.

Ang mga permit at kontrata na ipinatutupad bago pa maisabatas ang panukala ay kikilalanin hanggang sa mag-expire o ma-terminate ang mga ito.

Ang mga taong lalabag sa panukala ay maaaring makulong ng 6-12 taon at pagmultahin ng P1 milyon hanggang P10 million. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.