Una sa Balita

Davao mayor guilty sa misconduct

By ,
0 4,286

Inutos ng Office of the Ombudsman ang isang buwang suspensyon laban sa alkalde ng Cateel, Davao Oriental matapos mapatunayang guilty sa kasong simple misconduct.

Si Mayor Erlinda ­Nuñez ay napatuna­yang lumabag sa Section 45 ng R.A. No. 7160 o Local Government Code matapos na italaga umano nito bilang Barangay Kawagad ang isang Joan Grace Cadalzo para sa Brgy. Poblacion, sa kabila ng issuance ng Resolution No. 016-2016 na nagrerekomenda naman kay Aldrin Castro para sa posisyon.

Nakasaad sa desisyon na kapag bakante ng isang posisyon sa Sanggunian ay maaari lamang itong palitan ng alkalde base sa rekomendasyon ng sangguniang barangay.

Ngunit malinaw na sinuway umano ito ng alkalde nang italaga nito si Cadalzo.

“It is clear from the above-provision that the Mayor’s power to appoint a Barangay Kagawad is subject to the recommendation of the Sangguniang Barangay. Prior to its recommendation, however, (Nuñez) already appointed Cadalzo as Barangay Kagawad,” ayon sa desisyon.