Una sa Balita

Davao mall owner Michael Yang paiimbestigahan sa Senado

By
0 788

Mariing kinuwestiyon ni Senator Leila De Lima ang pagtalaga ng admistrasyong Duterte sa isang Chinese national na si Michael Yang o Yang Hong Ming bilang bagong economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim Senate Resolution No. 922, nais ipasiyasat ni De Lima ang engagement ni Yang sa gobyerno tulad ng pagkakaroon nito ng karapatan para makakuha ng mga sensitibong impormasyon ng bansa.

“The independence of the State from foreign control necessitates that the questionable citizenship of a presidential adviser be authenticated, and the nature and scope of his influence over foreign policy be fully disclosed,” sabi ni De Lima.

Samantala, hindi makikialam ang Malacañang sa panloob na usapin ng Senado lalo na ang may kinalaman sa mga isinusulong na imbestigasyon sa ilang isyu.

Sinabi ni Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel secretary Salvador Panelo na iginagalang ng Palasyo ang co-equal branch ng pamahalaan at hindi ito manghihimasok sa mandato ng mga miyembro nito.

“The President does not interfere with a co-equal branch of government. Neither does he interferes with the functions and duties of the its members. It’s not a question of allowing. The Senate has its own protocol of inviting resource persons. The President has nothing to with that,” ani Panelo.