Una sa Balita

Davao mall owner Michael Yang, Chinese adviser ‘yan — Duterte

By
0 571

HINDI binigyan ng puwesto sa gobyerno ang negosyanteng ­Chinese at Davao mall owner na si Michael Yang na isinasangkot sa isyu ng iligal na droga.

Sinabi ni Pangulong Rodrido Duterte na hindi totoo ang ulat na si Yang ay ginawang Presidential ­Adviser on Economic Affairs.

Sinabi ng Pangulo na bahagi ng entourage ng Chinese Premier si Yang at hindi ito sangkot sa droga.

“Cannot be because he’s a ­Chinese. adviser ‘yan siya na… Even when the Premier of China was here, he was part of the entourage,” anang Pangulo.

Kilala aniyang negosyante sa Davao City si Yang at kaya isinasangkot sa iligal na droga ay dahil nais umanong kuwartahan ng mga pulis gaya ng ginawa sa pinatay na ­Koreano.

Pero sinabi ng Pangulo na hindi uubra ang mga tiwaling pulis kay Yang dahil hindi naman ito sangkot talaga sa droga at kaibigan ito ng ­Chinese Ambassador na si Zhao ­Jianhua.

“Akala ng mga gagong pulis na ‘yan may makukuha sila. ‘Yung iba pinapatay nila gaya nu’ng Koreano. Kaya sinabi ko nagkamali kayo diyan, bubuto kayo diyan,” dagdag pa ng Pangulo.