Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Davao hospital tiba-tiba sa P326M COVID reimbursement

0 409

Isang ospital sa Davao City ang nakakolekta ng pinakamalaking kompensasyon mula sa Internal Reimbursement Mechanism ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga pasyente ng COVID-19.

Ito ang ibinunyag ni Atty. Roberto Labe Jr., PhilHealth legal counsel sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa alegasyon ng malawakang katiwalian sa ahensiya.

Pumangalawa sa Southern Philippines Medical Center na nakakuha ng P326M ang UP-Philippine General Hospital sa Maynila (P263M) at pangatlo ang Davao Regional Medical Center (P209M).

Pang-apat ang Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City (P204M); panlima, Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa Pampanga (P201M); pang-anim National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City (P179M); pampito Baguio General Hospital and Medical Center (P165M); pang-walo Northern Mindanao Medical Center (P150.2M), pang-siyam, Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City (P150M) at pang-sampu Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City (P146.2M). (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.