Una sa Balita

Davao ginimbal ng lindol

0 414

MAGKASUNOD na niyanig ng lindol ang Davao Occidental at Davao Oriental, ayon sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ala-1:16 kahapon ng madaling-araw nang maitala ang 3.5 magnitude quake sa Davao Oriental, ang sentro ng lindol ay tumama sa bayan ng Caraga.

Muli itong nasundan ng magnitude 3.1 alas-4:18 ng madaling-araw.

Alas-3:40 naman ng yanigin ng 3.3 magnitude ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, pawang tectonic ang tatlong magkakasunod na lindol na may lalim na 11km.

Walang inaasahang pinsala at mga aftershock. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More