Una sa Balita

Davao chocolate maker patok dahil sa hugot line

By
0 1,685

ABANTE MO

GAMIT ang mga hugot line, ipinakita ng chocolate maker sa Davao City na kaya nitong mabihag ang puso ng kanilang mga kostumer.

Mga linyahan ng mga broken hearted, in love, o tungkol sa trabaho ang ginamit ng Biao Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (BARBCO) sa Brgy. Talandang, Tugbok District para makalikha ng tinaguriang ‘hugot chocolate’.

Ayon kay Joycedel Macias, pro­duct researcher ng BARBCO, mga hugot ang ginamit nila dahil popular ito sa kabataan ngayon. Kumukuha sila ng maaaring maging linya mula sa social media at sa kasalukuyan, mayroon na silang 22 hugot line para sa kanilang mga produkto.

Rehistrado na ang kooperasyon simula pa 1992, pero Pebrero nang gumawa ito ng chocolate at ngayon ay nage-export na rin ng kanilang mga produkto sa ibang bansa.

Ang mga miyembro ng BARBCO ay mula sa dating mga empleyado ng Philippine Cacao Estate Corporation (PCEC). Mayroon itong 41 miyembro at 133 associate member sa kasalukuyan.

Benepisyaryo rin ang mga miyembro nito sa Comprehensive Agrarian Reform Program at nakatanggap na ng 200 ektaryang lupa mula sa PCEC.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More