Una sa Balita

Dating UFC star Arlovski gustong gulpihin si Tyson

0 403

MATAPOS lumutang ang mga bigating pangalan na gustong makipagsapakan kay dating heavyweight boxing champion Mike Tyson, si ex-UFC heavyweight champion Andrei Arlovski naman ang nagpahiwatig na gustong kalabanin ang retiradong boxer.

Aminado ang dating UFC star na bilib at idol nito ang 53-anyos na si Tyson.

“Tyson is a legend,” saad ni Arlovski sa panayam ng sports.ru. “His poster hung in my room.”

Pero kung bibigyan ng pagkakataon, target at handa rin niya itong harapin sa boxing ring sa ilang kondisyon.

“If one round is boxing and one round is MMA, then it is possible.”

Nauna rito’y nagpahayag ng interes na makabuntalan si Tyson ng ilang dating boxing champ gaya nina Evander Holyfield, Shannon Briggs, Australian boxer Sonny Bill Williams at maging si Paul Gallen, na dating professional rugby player. (Aivan Episcope)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More