Una sa Balita

Dating Trump aide, kalaboso sa pagsisinungaling

0 267

HINATULAN nitong Biyernes na makulong ng 14 araw ang isang da­ting aide ni US President Donald Trump dahil sa pagsisinungaling sa federal agents hinggil sa naging koneksyon nito sa Russia bago ang 2016 presidential elections.

Ayon sa mga prose­cutor ni Special Counsel Robert Mueller, nagsinungaling si George Papadopoulos sa mga agent hinggil sa naging koneksyon nito sa mga Ruso noong panahon ng kampanya.

Kabilang sa naging kontak ni Papadopoulos ay ang London-based professor na si Joseph Mifsud, na nagsabing ang Russia ay may nakatagong baho ng kalaban ni Trump sa halalan na si Hillary Clinton.

Itinanggi na ng Russia ang alegasyon na nakialam sila sa kampanya habang ganito rin ang naging depensa ni Trump.
Bukod sa pagkakulong, hinatulan din si Papadopoulos ng isang taon na ‘supervised release’ at 200 oras na community service. Pinagbabayad din siya ng multang $9,500.