Una sa Balita

Dating tindera ng lugaw may 1M pamasko mula sa anak

0 1,893

UPANG masuklian ang paghihirap ng ina na mabig­yan ng magandang buhay ang kanyang anak, sinorpresa ito noong nakaraang Pasko matapos regaluhan ng isang milyong pisong cash.

Umaapaw ang kasiyahan ni Nanay Paz nang mabuksan ang kahon na naglalaman pala ng isang milyong pisong cash bilang regalo sa kanya noong Pasko.
Ginawa ito ng kanyang anak upang masuklian ang paghihirap nito upang makatapos sila ng pag-aaral.

Binuhay kasi ni Nanay Paz ang tatlong anak sa pagtitinda ng lugaw.

Nakita ng anak na si Rotski ang paghihirap ng kanyang ina kaya’t noong nasa kolehiyo na ito ay nagbenta ito ng mga produkto sa mga kaeskuwela hanggang sa mapasok ang buy and sell na negosyo.

Nang umabot sa isang milyong piso ang kinita niya, naisip niyang iregalo ito sa kanyang ina.

Ayon kay Nanay Paz, ngayon lang siya nakahawak ng isang milyong pisong cash.

Pero hindi na mahalaga sa kanya ang pera kundi ang makita lamang ang mga anak na nasa mabuting kalagayan.

Kinunan ng video ni Rotski ang sorpresa sa kanyang ina at naging viral ito nang mapanood ng higit 6 na milyong beses.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy