Una sa Balita

Dating tagahimas lang champion breeder na!

0 276

NAKAUKIT na ang pangalang Biboy Enriquez sa industriya ng sabong, mara­ming beses nang naging kampeon kasama ang tinaguriang Olympics of Cockfightin­g na World Slasher Cup.

Kilala bilang isang tanyag na breeder, magaling sa pagkokondisyon ng mga manok-panabong at higit sa lahat ay magaling ding promoter kaya naman kaliwa’t kanan ang alok kay Biboy para maging endorser ng produkto na may kinalaman sa manok o sabong.

Bitbit ni Boss Biboy ang Firebird sa tuwing sasali ng derby pero kailan ba siya nagsimula magsabong at paano nalinya sa sabong?

“Una akong nagsabong teenager sa La Loma Cockpit, mga 18-anyos ako, before that nagmamanok na ako, kasi noong nahiligan ko ang pagmamanok maybe 8 years old ako,” kuwento ni Enriquez na ang ina ay isang businesswoman, may mga restaurant, canteen noon at may pag-aaring hotel.

Kuwento ni Biboy, mahilig magmanok ang driver nila noon at minsan ay may alaga siyang manok na magaling at sinabi sa kanya na ilaban nila sa tupada.
“Nakita ko ‘yung manok ko nilalagyan ng tare, hindi ko pa alam noon ang tawag sa tare, tapos noong binitawan na ay siyapolan, nanalo ‘yung manok ko kaya tuwang-tuwa ako, ‘yun na, doon na nagsimula,” masayang kuwento ni Biboy.

Mga late 60s ay naging backyard breeder na si Enriquez hanggang sa makilala siya sa sabong at naging promoter. Nagkaroon na siya ng farm, ang Firebird Game Farm.

“Farm namin 27 years going 4 months na, nag-start lang sa 4 hec­tares,” ani Enriquez. “Ngayon nasa 26 hectares na itong Firebird at dahil lumaki ay dumami rin ang mga taong nabibigyan ko ng trabaho.”

Kapag nababanggit si Biboy ng mga sabungero ay pumapasok agad ang pambato nila sa Firebird—ang bloodline na White Kelso.

“Karamihan sa buyer namin ‘yung White Kelso ang hinahanap, nauubos kaya nagpaparami kami talaga,” ani Enriquez, na mahilig ding mag-alaga ng aso. “Nakikita siguro nila na lamang sa panalo kaya ‘yung White Kelso namin ang dinadayo ng mga buyer namin.”

Ayon kay Biboy, kailangan may disiplina at maayos mag-alaga hindi lang sa mga manok maging sa mga taong nakapaligid tulad ng mga handler, taga-breed at tagapatuka upang magtagumpay at higit sa lahat ay ang respeto sa kapwa at maging parehas.

“Mahilig ako mag-promote ng derbies, nakilala ako as a good promoter because I am fair and honest kaya always successful ang pa-derby ko,” saad ni Enriquez.

Q & A

Sportalakan: Saan po kayo madalas magsabong noong bago pa lang kayo?
Biboy: Sa La Loma, noong araw popular ‘yun, tawag nga namin doon dati La Loma University.

Sportalakan: Ilan po ang nagtatrabaho dito sa Firebird Game Farm?

Biboy: Mga nasa 48 emplo­yees. May mga employees din akong babae para hindi naman ako ma-boring. Masaya kasi kapag may babae.

Sportalakan: Bukod sa pagbi-breed, ano pa po ang ibang ginagawa ninyo o hilig?

Biboy: Mahilig talaga ako sa mga hayop kaya may mga alaga din akong aso, mahilig din ako sa beach at ski, at siyempre nagwo-workout din ako.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy