Una sa Balita

Dating solvent boy PH Rugby player na

0 139

BAGO pa mapabilang sa first home grown rugby stars ng Team Philippines, nalulong muna ang ulilang si Lito Ramirez sa solvent o rugby noong anim na taong gulang ito.

Sa isang Manila orphanage, pinapili noon si Ramirez ng mga Counsellors roon ng sport.

Hindi nagkagusto si Ramirez sa football o kahit pa sa basketball na kinakahumalingan ng mga Pinoy kaya naman pinasubok sa kanya ang sport na rugby.

“I didn’t have any idea it was a sport,” pahayag nito sa AFP. “I thought it was the glue. That’s why I chose rugby for sports.”

Dahil sa sport, nagbago ang buhay ni 5-foot-6 wing/fullback player na si Ramirez.

Taong 2015, isa si Ramirez na purong Pinoy ang napabilang sa Philippine national team na Volcanoes na karamihan ay half-Pinoys.

“His strength is his speed and his agility. It’s rea­lly hard for a big guy to catch him,” wika ni Jake Letts, general manager ng Philippine Rugby Football Union sa AFP.

“When they do catch him it can be painful,” dagdag nito. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy