Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dating ‘sky patrol’ ng ABS-CBN pumanaw na

0 269

Sumakabilang-buhay na ang dating ABS-CBN at DZMM reporter na si Ricky Velasco o mas kilala bilang “sky patrol”.

Sa ulat, sinabi ng misis ni Velasco na si Yolly na atake sa puso ang kinamatay ng dating broadcast journalist noong Biyernes sa edad na 61.

Bago ang pagpanaw ni Velasco ay dati na raw itong may sakit sa puso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“It is with great sadness that we share with everyone that Ricky has joined our Creator last Friday, November 20 at around 11:45 PM due to cardiac arrest. We rushed him to The Philippine Heart Center, but just when he made it to the ER, he suddenly let go. Please offer a prayer for the eternal repose of his soul,” sabi ng pamilya Velasco sa inilabas na statement.

“Viewing will be at Paket Santiago Marcos Highway, Antipolo City with mass to be held later at 6PM,” dagdag nito.

Nabansagang “sky patrol” si Velasco dahil siya ang kauna-unahang nag-ulat ng lagay ng trapiko habang nililibot ang Metro Manila sakay ng helicopter. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.