Una sa Balita

Dating sikat na basketbolista hinahanting sa milyones na utang

By
0 2,970

Madaming basketball fans and lovers ang big­lang nagkaroon ng “blast from the past moment” noong Huwebes ng gabi sa SM MOA nang sa bihirang pagkakataon ay magkita at magkumustahan ang dalawang legends ng basketball sa bansa.

It was indeed a sight to behold upon seeing Robert Jaworski and Mon Fernandez, enjoying the semifinals stint between Barangay Ginebra and San Miguel Beer teams.

At gaya ng kanilang naging karera sa PBA, nagsimula silang magkakampi sa isang team (Toyota), until mapunta sa magkaibang teams at naging perennial opponents since then.

Last Thursday nga, sa Ginebra kumampi si Jawo habang sa SMB naman si Fernandez, kaya’t ang saya-saya ng mga fans at mismong mga players ng both teams as they have them as their “inspiration.”

At 72, kitang-kita pa rin ang tikas ng tinatawag na living legend ng basketball, habang at 64, aktibo pa rin bilang opisyal ng Philippine Sports Commission ang El Presidente.

Balita nga lang na kahit nanalo ang koponang kinampihan ni Fernandez, disappointed umano ito sa walang kulay na game ng team. Bihira pa naman itong manuod o maglaan ng oras sa ganung laro.

****

Napakaganda ng hangarin ng bagong pinuno ng POC na si Ricky Vargas na simulan ang kanyang term in a clean slate.

Appreciated ng sports world ang pagkuha niya sa mga former POC heads para makatulong niya sa mga programang gagawin niya.

Ang dalawa nga dito ay sina former POC Presidents Jose Peping Cojuangco at Celso Dayrit, na itinalaga niya bilang magkasamang chairman at member ng POC Constitutional Revisions and Amendments Committee. Kasama din si election lawyer Alberto Agra.

“Not all that is old is bad and not everything that is new is good,” sey ni Vargas sa ginawa niyang pagkuha sa mga ito.

Here’s simply wishing them the best of luck! At least, with them as heads ng POC, siguro naman ay mas magandang resulta na sa pang­kalahatang sports natin ang ating makikita.

****

Nakakagulantang ang tsismis na ipinaabot sa amin ng isang kaibigan na inutangan umano ng isang basketball pla­yer na kung saan-saan na naglalaro ngayon.

Dati daw itong sikat na PBA player na nagkaroon ng part-time raket sa TV, then nawala sa professional league, pero naglalaro pa rin sa mga maliliit na liga.

Dala daw ng bisyo nitong pagsusugal at pagkakaroon ng asawang­ sobrang luho sa buhay, nabaon daw ito sa utang at may mga moment pang nahahatakan ng mga sasakyan dahil hindi nito nababayaran.

Ang nakakaloka, pati umano ang mga kaanak nitong nagnenegosyo ng mga pahulugang alahas ay hinahanting na rin ang mag-asawa dahil sa milyones umanong halaga ng alahas na supposedly ay ipinabenta sa kanila, pero waley perang ni-remit?

Tsk, tsk, tsk…ang daming ganitong kuwento sa mundo ng basketball huh!