Una sa Balita

Dating Sexbomb dancer, ka-live in timbog sa shabu

By
0 2,795

ARESTADO ang dati umanong miyembro ng Sexbomb dancer at ang kinakasama nito sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Bay, Laguna.

Kinilala ni Sr. Supt. Eleazar Matta, police provincial director ng Laguna-PPO, ang naarestong suspek na sina Sheena Joanna Uypico, 33-anyos, at kinakasama nitong si Elmer Senorises, alyas ‘Solo,’ 39-anyos, traysikel drayber, pawang residente ng Barangay San Gabriel, San Pablo City. Nakuha sa mga ito ang pinagsamang 11 sachet ng pinaniniwalaang shabu na inaalam pa kung magkano ang halaga.

Ayon kay Matta, dakong alas-8:50 ng gabi nang isagawa ng Bay Municipal Police Station (MPS) at Laguna Provincial Intelligence Branch ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa isang fastfood chain sa Barangay Dila sa bayan ng Bay, Laguna.

Nabatid na nakipagkita ang mga suspek sa isang police poseur buyer sa nabatid na lugar na bumili ng isang sachet ng shabu sa halagang P1,000.

Matapos magkapalitan ng iligal na droga at pera ay isinenyas na ang paghuli sa mag-live in partner.
May kabuuang 11 sachet ng shabu na ina­alam pa ang halaga at P5,000 cash kabilang ang P1,000 marked money ang nakumpiska.

Nakakulong na sa Bay-MPS ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy