Una sa Balita

Dating reporter supplier ng kelot sa negosyante

By
0 9

Sino daw itong isang dating reporter­ sa telebisyon ang nagin­g bugaw na raw ngayon­ ng mga kilala at bigating negosyante sa bansa?

Sa nakalap na impormasyon ng Abante, simula nang lisanin daw ng reporter ang television network ay kinarir na nito ang pagsusupla­y ng magpapaligaya sa ilang negosyante sa bansa.

Kunsabagay, bagay naman daw ang bagong papel ngayon ng ex-reporter dahil isa siyang dual citizen as in half-Filipino, half-Filipina.

Abante Hiring – IT dep

Ang classic nito, hindi naman naggagandahang babae ang ibinubugaw niya sa ilang bigating negosyante sa bansa kung di yung mga nagguguwapuhang lalake.

May plus pa kung ang katawan daw ng lalake ay maraming pandesal eheste yung may six-pack abs at kayang rumampa tulad ng ginawa ni Channing Tatum o ni Matthew McConaughey sa pelikulang ‘Magic Mike’.

Palibhasa’y dual citizen, malaka­s ang pang-amoy ng dating reporter kung sino-sino ang mga negosyanteng katulad din niya na ang hinahanap ay yung mga taong may lawit.

Sa lakas ng raket ng dating reporter, aba’y mas malaki ang kinikita nito ngayon kumpara noong nagtatrabaho pa ito sa isang television network.

Kilala niyo ang mukha ng datin­g reporter­ dahil lumalabas ito sa telebisyo­n at may letrang G sa kanyang­ pangalan as in Girl ay hindi talo sa kanya.

Sa susunod ay papasadahan naman natin ang isa sa negosyanteng sinusuplayan niya ng mga maskulado at mga guwapong kelot.